Friday, 6 January 2012

Isang Dasal

Sa ngalan ng mga ninuno at ng mga anito
Sa Dakilang Diyos at Maalwang Diyosang pumaparito
Sa mga diwata at nilalang ng lupa, apoy, tubig, at hangin
Ang dasal ay pakinggan, panalangin at dinggin

Nawa'y matigil na namin ang paglapastangan sa lupa at pagsira sa kagubatan
Sa halip, aming palaguin ang masagana at malusog na lupain.
Banal na Lupa, kami ay gabayan mo
Kami ay tulungan sa pangangalaga ng mundong ito.

Nawa'y matigil na ang paglason sa kahanginan
Sa halip, iihip ang malinis na hangin sa sanlibutan
Banal na Hangin, kami ay gabayan mo
Kami ay tulungan sa pangangalaga sa mundong ito.

Nawa'y matigil na ang pag-aaksaya likas-enerhiyang ginagamit
Sa halip, aming palakasin and pagtitipid at responsableng paggamit
Banal na Apoy, kami ay gabayan mo
Kami tulungan sa pangangalaga ng mundong ito.

Nawa'y matigil na ang walang habas na pagdumi sa katubigan
Sa halip, ipadaloy ang hangaring ang karagata't mapangalagaan
Banal na Tubig, kami ay gabayan mo
Kami ay tulungan sa pangangalaga ng mundong ito.

Nawa'y matigil na ang pag-aaway at iringan nga mga pananampalatayang iba-iba
Sa halip, aming makamit kapayapaan, pag-ibig, paggalang at pagkakaisa
Mga anito at mga diwata, kami ay gabayan Nyo
Kami ay tulungan sa pangangalaga ng mundong ito.

Nawa'y mamuhay kami na may pagkakaisa sa bawat nilalang
Nawa'y mamuhay kami ng may pagkakaisa sa sangkatauhan
Nawa'y magkaisa kami sa pagsupil sa tuluyang pagkasira ng mundo
At nawa'y magkaisa kami sa pagsulong nga kagalingan nito.

Bathala Nawa.


Isinulat bilang dasal para sa "Diwang Ilog Pasig: Daloy, Buhay at Pag-ibig" nuong Oktubre 17, 2009. Ito ay hango sa dasal na isinulat ni Selena Fox, isang respetadong guro, ritual artist, at paganong aktibista.